Happy Mothers Day, 妈妈!

Happy Mothers Day, 妈妈!






        🌼Advance Happy Mother's Day 妈妈。Unahan ko na dahil baka matabunan lang sa Sunday.🌷 妈...kahit wala na kayo, sinisikap kong makita kayo sa lahat ng bagay na nakikita ko, nararanasan ko at nakakausap ko. Minsan kapag may customer na mabait na lola 👵...inaalala ko kayo.....minsan naman kapag nadadaan ako sa Palengke ng Pampang 🍅, inaalala ko yung mga Sabadong sinasamahan ko kyo nung Grade-6 pa ako at dun ko natutunan na dapat mapula ang gills ng isda at malinaw ang mga mata...."kah geh geh geh" 🐟...inaalala ko din nung mga taong 2012-2014, kapag tapos na tyo mamalengke eh ililibre nyo ko sa McDo at ipaghahalo ko kayo ng kape. ☕ At syempre naman...excited na akong punuin ng mga halaman, lalo na ng mga rosas 🌹, ang bago kong hardin. 🌿 Ginagawa ko yun para sa pinangarap nating garden na hindi natin magawa sa family home.   妈...siguro, sa inyo ko din ipapasalamat yung patuloy na blessings sa business, dahil kahit papaano eh naaalala ako ng ating mga suking customers.  Marami ding nagsabi na sa lahat ng Fil-chi na nanay sa syudad...eh kayo ang pinakamabait. Hindi masungit, mapagbigay at siyempre, ang ating family "heirloom" na Smiling Face! 😁  妈妈.....Maligayang Araw ng mga Nanay.  我想你。我爱你。谢谢妈妈。


📸 circa 2016 ✌️😄

#mothersday #mama #妈妈  #missyou #jamosisforever

Post, originally posted on my Instagram account:












0 (mga) komento:

Post a Comment

Next PostNewer Post Previous PostOlder Post Home