Ode to a Special Someone: Gising na Jamos! Hugot pa more?

Ode to a Special Someone: Gising na Jamos! Hugot pa more?


Image from Adarna.com.ph


"Masaya at Maganda"
ni JamosX

Minsan o madalas, 'di bale na.
Ang buong akala'y wala nang lunas.
Dahil batid ng lahat 
Na wala ka na, wala.

Sa tuwing nakikita, o napupuna,
Mga larawan ko,mo at nating dalawa.
Hindi mapigilan, mga alaala.
Dahil habang buhay, ako'y tatanda
Sa mga araw na tayo'y
Nagtatawanan at laging masaya.


from the internet unknown source.


Bakit nga ba kailangan maghiwalay?
Bakit kailangan na ang isa'y mauna?
Bakit may nabubuhay ngunit sa huli ay namamatay?
Bakit nga ba...bakit, oh bakit ba?

Saan patutungo kung ika’y hindi
Na muling makakasama?
Akala ko'y hindi na matitinag
Ang pagsasama at kasiyahan
Na araw,buwan at taon nating binuo
At pinagsasaluhan.

from FactsandDetails.com


Kayo sana'y masaya
At walang problema.
Sa lugar na punumpuno
Ng Ligaya
At sana nawa'y, inyong pagmasdan,
Alalayan at tulungan,
Kaming mga naiwan.

Araw-araw akong sumisige sa buhay.
Araw-araw na nagsusumikap
Sa pagtitinda at pag-o-online benta.

Minsan nahaharap sa mga pagsubok
Tulad ng pagatake ni Hagorn, Pirena
At Avria.
Pero laging tinatandaan,
Na ang buhay sa lupa 
Ay pansamantala lamang.

 Sana nga, may buhay pa
Sa kabilang dako ng pagkamatay.
Dahil mahirap sundan ang inyong habilin.
Na ang buhay ay maganda at masaya,
Na ang buhay ay higit pa sa ginto
Ang tunay na halaga.


from Lifeofannie.blogspot.com

Sana'y muli na tayong magkita.
Nang magbalik-tanaw sa noon na natapos na.
Muli nating namnamin ang sarap
Ng mga alaala.
Mga alaalang may dalang halimuyak
Na sa tuwing nalalanghap,
Tayo'y bumabalik sa mga eksenang
Ating ginampanan.
Isang pelikulang hindi mapapantayan.

 Maraming salamat sa lahat,
Ngunit kami pa rin ay naririto sa mundo.
Patuloy kaming maglalakad
Sa daan na aming tinatahak.
Hanggang sa huli, hindi susuko.
Tulad ng sabi nyo,
 Ang buhay ay maganda at masaya.
Ang laban na ito ay hindi bibitawan.
Ang laban ng buhay ko ngayon
Ay para po sa inyo,
Aking ina.


from Fine Art America




p.s.  Thanks to all the sources of my images. ingat po.




0 (mga) komento:

Post a Comment

Next PostNewer Post Previous PostOlder Post Home