Anyeong Hasseyo! Kickstart, first post ko ngayon ay tungkol sa Dinner Adventure Adventure ko sa Kim's Grill along Friendship Hi-way sa Angeles City Pampanga. Nalaman ko ang tungkol sa resto na ito mula sa Facebook sponsored feeds. Mygadz...sangkatutak na ang mga nagBuBuffet na resto dito sa Angeles ngayon! Kulang na lang eh malalaos na ang mga Fastfood establishments, magiging BuffetFood establishments na...hehehehe! May iilan-ilan na rin akong nasubukan na mga restong Buffet pero ngayon ko lang naisipang gawan ng blog ang mga Gastroventure experiences ko.
Dumating ako sa Kim's mga 8:30pm...nabasa ko na hanggang 10:30pm silang open sa gabi... Pagdating ko sa entrance, binuksan ng isang mamang binata yung two-door na pintuan nila. Tinanong ko sa bago ako pumasok..."Kuya, magkano yung buffet nyo?"...aba ang sagot, "Pasok po kayo, sa loob nyo na lang po itanong..."....hahahaha! sa loob-loob ko naisip kong gusto siguro nya itanong ko sa loob para mahiya na akong lumabas ng resto nila kung mahal. Bwahahahaha! Hindi lang nya alam, eh may pagka-walang-hiya itong si Jamos the Explorer or JamoX na lang for short. :D
Pagpasok ko, 350.00 pesoses daw pala ang buffet nila....kasama ang UNLi SamgyupsaL na uso sa mga Korean Buffet restos tulad ng Kim's. Bali may UNLi SamGyupSaL, UnLi Buffet Dishes at Drinks. Sabi ni Kuya Waiter, 'di lang daw yun....may FREE one piece Korean Ice Cream!!! Yehey!!! Sa iba kasing mga nakainan ko eh may bayad yung Ice Cream. Haha! Nang maupo na ko sa table, may Grilling station....kumbaga, sabi nga ni Ate waitress, Self-Service lahat pati ang pagluluto ng SamgyupsaL, ikaw lang ang gagawa at wala nang iba. :D Syempre nung ready na ko kumain, naisip ko yung natutunan ko sa hipag kong KusinaQueen din ang peg, na dapat unahin ang mainit na sabaw para hindi mabigla ang tiyan at lumakas ang pagkain...pero sa kasamaang palad, sabi ni Ate, "Sorry po, wala pong soup sa buffet...kung gusto nyo po may bayad..." sabay pakita nya ang Flip-card sa may table na nakasaad ang flavor and price ng mga soup nila. Hindi ko naalala ang price kasi nung makita ko kinilabutan ako...parang half ng 350.00 entrance ang isang order ng Sabaw nila!!! EdiWoW! Pasimple na lang ako at sinabing "ah sige, huwag na lng po."

Kung medyo naBadTrip ako sa payable Soup nila...natuwa naman ako nang makita ko ang mga available drinks na BottomLess!!! Dahil Bottomless ang paborito kong ICED COFFEE! Meron ding Iced Tea at Lemonade sa drinks nila. Sinimulan ko na din ang pakuha sa main buffet dishes nila, sabi ko ihuhuli ko na lang yung Samgyupsal kasi hindi ko talaga alam ang tamang pagkain ng samG korean style. haha! Sa naalala ko, ang mga paborito kong dishes nila ay yung spicy Korean Chicken, yung JapChae o Korean noodles at yung Spicy Chicken Stew. Meron din silang Salad Station, kaso rin ako mahilig sa gulayan...meats talaga hilig ko kaya konti na lang mababara na siguro ang mga ugat ko. hehehhe! Kaya ganun na lang ang dalas kong kumain sa mga resto ngayon eh dahil sa habang bata pa, susubukan ko nang kumain ng masasarap na putahe at magEnjoy na rin nang kaunti kaysa yung ipon nang ipon tapos pagtanda hindi na rin maE-Enjoy yung buhay.
Ang isang strategy na ginawa ko sa Kim's ay yung kumuha na rin ako ng mga iihawin kong mga karne na pangSamGyupsaL. Tapos habang slow cooking/ihaw sila sa grill-pod ng table.....Lamon naman ako nang lamon sa mga buffet dishes na kinuha ko. Kaya nung maubos ko na yung dalawang plato ng assorted items....haha...Ready to eat na ako ng SamG!!! Kung meron mang kakaiba sa SamG ng Kim's, ay malalaki yung hiwa nila sa karne, kumbaga hindi nagmumukhang tinitipid yung customers. Hindi rin naman dapat mabahala kasi may binibigay namang gunting na pwedeng gamitin para putul-putulin yung mga karne. Kaya ako, ginawa kong bite-sizes yung mga karne sabay balot ko sa pirasong gulay o Lettuce at NomNomNomNomNomNomNom!
Umabot ako hanggang 9:45pm sa Kim's....pero kasabay kasi ng lahat ng pagLamon na ginawa ko......nagbabasa din ako ng isang national geographic na magazine...kaya napatagal ang stay ko sa resto. Yan din siguro ang dahilan kung bakit madami-dami akong nakain sa Kim's Grill...goodbye diet na talaga. hehe. Kung ipapa-Rate nyo sa akin ang Kim's Grill from 1-10, 10 being the highest.......nasa 7.0 ang Grade nya kay JamoX. Don't Like is the "limited" buffet dishes, puro pika-pika tulad ng egg roll, baked Kamote, Fried Talong at Kimbab. Plus or Likes are the ICED COFFEE and Big sized SamGyupSal meats...dito ko lang naEnjoy ang SamGyupSaL.
Pagkatapos kong magpaBill-out...syempre hindi ako nahiyang hingin ang aking.........FREE KOREAN ICE CREAM!!! Mango Flavored MeLoNa ang pinili ko. Wow.....Saaaaraaaap!!!
P. S. Pagkatapos magpakabusogsa Kim's.....dumiretso muna sa Woori Korean Mart para bumili ng favorite Korean Ice Cream namin ni papa daddyow! 🤗
Kayo anu ang experience nyo sa Kim's o kaya sa mga UnLi Samgyupsal resto na nakainan nyo na?
0 (mga) komento:
Post a Comment